Pagdurusa! (Kabanata 2) Sinasabing ang Pilipinas ay isa sa mahihirap na bansa sa buong mundo. Bakit nga ba mahirap ang bansang Pilipinas? Sino nga ba ang dapat sisihin sa paghihirap ng ating mamamayan? Ang gobyerno nga ba o tayong mga Pilipino na tamad? Masasabi ba nating nabigo na naman ang mga pangako ng mga politiko patungkol sa kahirapan ng mga Pilipino? Ang bansang Pilipinas ay hindi pa rin nakalalaya sa kahirapan na sumisira sa bawat isa. Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Ang kahirapang nararamdaman ng mga Pilipino ay maikukumpara sa isang malagim na epidemya na kumakalat sa buong mundo hindi lamang sa ating bansa. Ang epidemyang ito ay patuloy na hinahanapan ng lunas ngunit ito’y mahirap makamtam. Ang kahirapan ng buhay ang isa sa mga problema ng nakararaming Pilipino. Patuloy ang paghihirap na parang nasa kumunoy na habang kumakawag ay lalong nababaon sa ilalim. Sa bansang ito n